So may kasama ulit sa top spot

chesss

MULING nasaluhan si Pinoy grandmaster Wesley So sa liderato matapos siyang matablahan ni defending champion GM Susanto Megaranto sa sixth round ng Asian Zone 3.3 Chess Championship sa Tagaytay International Convention Center kagabi.

Umabot sa 51 moves ng Slav defense ang laban nina super GM at top seeded So, (elo 2682) at ranked No. 5 Megaranto, (elo 2529) ng Indonesia para ilista ng una ang 5 pts. sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system.

Kumapit muli si super GM at No. 2 seed Ngoc Truong Son ng Vietnam kay So matapos nitong kaldagin si reigning PSC Cup king GM Mark Paragua sa 28 moves ng Gruenfeld skirmish.

Pakay na naman ni So na kumaldag sa round seven upang mapalakas ang tsansa na makakuha ng slot para sa World Chess Cup 2013 sa Tromso, Norway na gaganapin mula Agosto 10 hanggang Setyembre 5, 2013.

Si IM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam ang susunod na makakalaban ni So.
Plano naman ni 12-time national champion Rogelio “Joey” Antonio na kainan ng puntos si Son upang muling masolo ni So ang liderato kung mananalo siya kay No. 10 seed Hoa, (elo 2495).

Sa Top board maghaharap sina Antonio at Son habang sa board No. 2 naman ang date nina So at Hoa.

May total 4.5 pts. si Antonio matapos pisakin si FM Gombosuren Munkhgal ng Mongolia sa 58 moves ng Nimzo-Indian defense para umakyat sa solo third position.

Nakalikom naman si Megaranto ng 4 points upang makasama sa fourth to 8th places.

Bukod sa cash prizes sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines, (NCFP) ay dalawang upuan ang nakataya para sa WCC.

Si GM Oliver Barbosa pa lamang ang nakasisiguro ng slot sa World Cup.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply