SoKor rocket launch handa na

HANDA na ang paglulunsad ng South Korea sa kanilang Korea Space Launch Vehicle-1 (NARO) mamayang hapon.

Ayon sa mga launch organizer, wala nang nakitang problema sa rocket na nakatakdang ilunsad mamayang alas-5:00 ng hapon, oras sa Pilipinas.

Nabatid na kahapon ay nagsagawa ng final rehearsal ang South Korea upang matukoy kung mayroong problema sa rocket na magiging sanhi ng pagkaantala sa paglulunsad nito.

Samantala, sinimulan na ring ipatupad ng NDRRMC ang “no sail zone, no fly zone at no fishing zone policy” sa regions 2, 4A, 5, 8 at Cordillera Administrative Region na daraanan ng rocket.

Kaugnay nito, pinawi naman ng Office of Civil Defense ang pangamba ng ilang residente hinggil sa nakatakdang satellite launch ng South Korea sa pagitan ng Enero 31 hanggang Pebrero 8.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply