Sorbetero na dating police asset itinumba

crime-scene-chalk-mark

TATLONG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang sorbetero at dating police asset sa Ozamiz City matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Cris dela Cruz.

Sa report ng Manila Police District-Homicide Section, nakabulagta na nang abutan ng awtoridad ang biktima sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila.

Sa paanan ng biktima, nakita ang isang karton na may nakasulat na “huwag niyo akong tularan”.

Ayon sa MPD-Homicide Section, may mga natatangap na umanong banta sa buhay ang biktima na dating police asset sa Ozamiz City.

Posible umanong sinundan ang biktima sa Maynila na tatlong buwan nang umalis sa kanilang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply