Sorsogon Provicial Jail riot, 5 sugatan

sorsogon-prov'l-jail

LIMA ang sugatan kabilang ang isang jailguard nang sumiklab ang riot sa loob ng Sorsogon Provincial Jail (SPJ) nitong nakaraang Martes ng madaling araw.

Apat sa mga preso na hindi nakuha ang mga pangalan ang nagtamo ng tama ng bala sa kani-kanilang mga paa matapos ainstahin ng mga jailguard nang hindi magpaawat.

Kritikal naman sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang presong si Michael Mojana habang nalapatan naman agad ng lunas sanhi ng isang saksak sa katawan si Jailguard Rodolfo Soriano.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 12:30 ng madaling araw sa loob mismo ng nasabing provincial jail.

Bago ito, sa hindi pa malamang dahilan ay biglang nagrambulan ang ilang grupo ng mga preso sa kasagsagan ng New Year’s revelry.

Sa kabila naman ng mga warning shots na ipinutok ng mga jailguards, hindi nagpa-awat ang mga preso at patuloy na nag-umbagan at nagsaksaksakan pa kaya pinagbabaril na sila sa kanilang mga paa.

Pumasok naman sa mismong piitan si Soriano para umawat pero sinaksak siya ng isa sa mga preso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply