South Cotabato naglaan ng P967-M budget sa 2013

pingoy

AABOT sa mahigit P976 milyon ang inilaang pondo ng South Cotabato para magamit sa pagpapatakbo ng pamahalaang panlalawigan ngayong taon.

Kasabay ng pagkumpirmang pinirmahan na niya nitong nakalipas na linggo ang ipinasang 2013 Annual Executive Budget ng Sangguniang Panlalawigan, siniguro rin ni Gobernador Arthur Y. Pingoy Jr., na hindi maaantala ang pagbibigay ng mga batayang serbisyo sa mga mamamayan ng probinsya.

Lakip sa P976 milyon na budget ang P400.5 milyon na nakalaan sa general public services sector, P283.7 milyon sa economic sector, P228.9 milyon sa social sector at P62.8 milyon sa iba pang kailangang pagkakagastusan.

Naglaan din ang lalawigan ng P48.8 milyon bilang calamity fund, P199 milyon na ayuda sa mga barangay, P8.7 milyon na pambayad sa mga utang at loan amortization sa pagpapalawak ng Finance building, at P5 milyon na pondong pansuporta sa mga tanggapan ng pamahalaang nasyunal.

Nakapaloob na rin sa pondo ang pampabayad sa ikaapat at huling bugso ng pagpapatupad ng Salary Standardization Law II sa mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

Kasama rin ang pondo para sa personnel service na kailangan ng kinatawan ng mga lumad sa lalawigan batay sa Republic Act 8731 o Indigenous People’s Act of 1997 at maging ang pondong kailangan sa pagtaas ng premium sa Philhealth ng mga benepisyaryo ng LGU simula sa Enero 1, 2013.

Matatandaang kinailangang bumuo ng isang ad hoc committee at magsagawa ng isang marathon budget hearing ang Sangguniang Panlalawigan sa huling linggo ng 2012 para maihabol ang 2013 Annual Executive Budget.

Bagama’t may ilang gusot at isyu pang kailangang resolbahin hinggil sa naturang budget, siniguro ni Gov. Pingoy na tuluy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply