Spartans Mahakam Tres kikikig sa Finals ng World Slasher

LALARGA ngayong hapon ang Finals ng 2013 World Slasher Cup Invitational 8-Cock Derby sa Araneta Coliseum, ang una sa dalawang magkahiwalay na 4-cock finals ng record-breaking 324-entry.

Magpupupugan sa first 4-cock finals ang mga may puntos na 2, 2.5 at 3 matapos dumaan sa 2-cock elims at 2-cock semis.

Bukas naman, (Jan. 27) ang second 4-cock finals kung saan ay magyayangyangan ang mga may iskor na 3.5 o 4 upang sungkitin ang titulo sa sinasabing “Olympics of Cockfighting”.

Kabilang sa sasagupa ngayon ay si WCS January editon defending champion Rey Briones at kasamang si Soan Soegianto gamit ang Spartans Mahakam Tres.

Walo lamang na kalahok mula sa semis noong nakaraang Huwebes ang nanatiling walang bahid at nakapagtala ng 4 na panalo sa apat na laban habang dalawa lang ang naka-3.5 puntos.

May tig-apat na panalo sina Boy Marzo (BM SabongCh. Com), Gerry Ramos (AAO Hitchcock), Itoy & Boyet Sison kasama si Gov. Plaza (EP Roosterville GF BAN), Zaldy Sandoval (Lucky Charm), Gov. Gerry Espina (Mt. Panamao), Rudy Albano (Mulawin) at Felix Gatchalian (SF Archers Balite) bago nagsimula ang finals sa event na Handog ng Pintakasi of Champions, ang 7-araw na labanan ng siyapolan at kikigan at itnataguyod ng Bmeg, Sagupaan, Thunderbird Romoxtyl at Supremo.

Umiskor naman ng 3 panalo at 1 tabla sina  Boy Lechon/Manny Licup/Ting Ariosa (Manny L. Gray JDLS at Patrick Antonio (Sagupaan Winning Line) habang si Briones ay may tatlong puntos papasok sa Finals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply