SSS CEO DE QUIROS, GISING AT PINULITIKANG SINULOG

burdado- jun briones

MALI tayo, parekoy, tungkol sa bilang ng mga SB (Service Bureau) na hilahod na sa pagsisilbi sa tanggapan ng SSS ngunit hindi man lang nakatatanggap ng anomang benipisyong natatanggap ng mga regular, casual at contractual worker.

Mahigit palang 700 sila na mga “aliping sagigilid” sa SSS na karamihan ay 15-20 anyos na nasa nasabing tanggapan ng gobyerno.

Palibhasa mga aliping sagigilid, wala silang natanggap kahit pisong duling mula sa SSS noong Disyembre dahil nga wala raw silang “employee-employer relationship.”

Pakinggan mo itong maigi, Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros, ang pawis nilang mga aliping sagigilid ang dahilan kung bakit patuloy ang operasyon ng inyong opisina.

Ang kanilang pagod ang dahilan kung bakit bundat kayong mga demonyong opisyal ng SSS mula sa naglalakihang benepisyo ng inyong pakuya-kuyakoy! Silang mga nagpapalamon sa inyong pamilya ay wala palang employer relationship sa inyo?

At kayong mga Herodes na parang diyos kung kanilang sundin ang mga utos ay wala palang employee relationship sa kanila?

Tangna, kung talagang matuwid itong letseng landas na ating tinatahak ay patunayan muna ninyo riyan sa mga SB ng SSS. Gawan ninyo ng paraan na mabigyang recognition ang kanilang dugo at pawis sa pagtatrabaho riyan sa SSS.

Kung hindi ngayon, kailan?

-o0o-

NAKIUSAP ang mga organizer ng Sinulog sa Cebu na kung maaari ay huwag gamitin ng mga impaktong politiko ang nasabing okasyon para makaepal sa mga botante.

Gusto kasi ng mga organizer na madama naman ng mga deboto at foreign observers ang kasagraduhan ng okasyon. Kulang na lang na sabihin nila na kung maaari ay huwag munang umepal ang mga demonyo rito sa okasyong para sa Diyos!

Ang tanong, kalian ba nirespeto ni Satanas ang gawaing maka-Diyos?

Kailan ba pinakinggan ni Satanas ang pakiusap para sa Diyos?

Kailan ba hindi naging suwail si Satanas sa mga salitang ukol sa Diyos?

Opps, parekoy, binitbit nga pala ni PNoy ang mga kandidato ng Liberal Party doon sa Cebu para umepal ng boto!

Mga taga-Cebu, alam na ninyo ang gagawin!

Bigyan ninyo silang lahat ng mga itlog! Bwar, har, har!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply