Stampede sa night market sa Olongapo

ito ang totoo

NAGKAROON ng “stampede” sa Main Gate Bridge (Magsaysay Bridge) ng Subic Bay Freeport kamakailan dahil sa siksikan ng mga taong papasok at pauwi galing sa trabaho at mga nanimimili sa tiangge o night market sa ibabaw mismo ng tulay.

Buti na lang walang grabeng nasaktan.

Ito ang Totoo: Kahit jurisdiction ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang Main Gate Bridge, sapilitang pinanghimasukan ito ng pamahalaang lungsod ng Olongapo ni Mayor Bong Gordon sa pamamagitan ng pamangkin niyang si Jimmy Lorenzanao JLo.

Dalawang konsehal ang walang hiyang nagsulong sa konseho para magkaroon ng night market sa Olongapo, sina Kgd. Edic Piano at Kgd. Gina Perez, na bagamat hindi malinaw kung opisyal na isinama ang Main Gate Bridge, ipinasara naman ang kalahati ng Columban St. (Perimeter Road) patungo sa tulay kaya buhol-buhol rin ang trapiko.

Milyon-milyong salapi na umano ang nai-advance kay JLo ni Aliah na organizer ng night market kaya pilit inokupahan ang tulay kahit may abiso ang SBMA na delikado na ito kaya nga ilang taon nang isinara sa motorista at pedestrian na lamang ang pinapadaan.

Kung magkano lang ang papasok sa kaban ng bayan ay iba pang usapan.

Nitong nagka-stampede, wala lang kay Mayor Gordon. Hinihintay pa yata na tuluyan nang may madisgrasya at mauwi ang situwasyon sa sakuna.

Kung bakit ba naman may tiangge na sa Columban St., pati ibabaw pa ng tulay ay idinamay. Kawawa ang mga empleydo ng SBMA at Subic Freeport na dumadaan sa naturang tulay,  pati na mismo ang mga namimili at nagtitinda na animo’y sardinas na ipinilit sa loob ng lata.

Ito ang Totoo: Kung may natitira pang malasakit si Mayor Gordon sa kapwa, ipababaklas na niya ang tiangge sa ibabaw ng tulay.

Kung hindi, ang SBMA o DPWH na siguro ang dapat kumilos. Sobra na ang garapalang paggawa ng pera ng magtiyuhin, sukdulang ilagay sa panganib ang kapwa, bata, matanda, babae o lalaki.

Buhay ang nakataya kaya kailangan ang agarang aksiyon. Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply