Street sweepers nakabuntot sa prusisyon

NAKABUNTOT na rin ang mga street sweeper ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa prusisyon ng Black Nazarene.

Sa ulat sa radyo, ayon sa mga street sweeper, mas magandang sundan na nila ang prusisyon upang malinis agad ang mga basurang maiiwan ng mga deboto sa rutang daraanan ng Poon.

Kahit una nang nanawagan ang MMDA sa mga deboto na magdala ng basurahan at huwag magkalat sa ruta ay tambak pa rin ang mga basura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply