Suarez: Walang nais makipag-alyansa sa Lakas

AMINADO ang oposisyon na walang partido ang nagnanais makipag-alyansa sa Lakas-CMD na kinabibilangan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ginawa ni Minority Leader Danilo Suarez ang pag-amin sa gitna ng salungatang alyansa ngayon ng iba’t ibang partido.

“Wala, walang gustong makipag-align sa amin eh. Kasi kinukwan kami mina-marginalize kami. Ang dami-dami naman namin but maiintindihan mo naman parang ika nga kiss of death ang LAKAS noong araw ewan ko ngayon sa 2013,” pagtatapat ni Suarez.

Kasabay nito, ay tinaya ni Suarez na masusungkit ng United Nationalist Alliance (UNA) ang karamihan sa pwesto ng senador.

Inihayag din ng kongresista na bagama’t wala silang alyansa sa ibang partido ay isasama pa rin sa susuportahan ng Lakas-CMD sina Zambales Rep. Mitos Magsaysay, Cagayan Rep. Jack Enrile, dating Senador Migz Zubiri at Bam Aquino ng Liberal Party.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply