SUGAROL SA GOBYERNO

ito-ang-totoo-colored

NAGLIPANA ang mga government official at employee na nagsusugal sa mga casino.

Ito Ang Totoo: ipinagbabawal ng batas, pati mismo ng lumikha sa PAGCOR, ang pagsusugal sa casino ng mga government official at employee, mula sa local at national government units, hanggang sa government owned & controlled corporations.

Kung iimbestigahan ng pertinenteng ahensiya ang mga CCTV footage sa mga casino, siguradong matutukoy ang mga nasa gobyerno na akala mo walang bukas kung magpatalo ng libo-libo, daan-daang libo at meron pang milyon-milyong piso, halos gabi-gabi.

Ang pagbabawal sa pagsusugal sa casino sa mga government official at employee ay ipinagdiinan pa ng Memorandum Circular No. 20 noong 1986 para sa mahigpit na pagpapatupad ng Presidential Decree 1067-B na nagbigay ng franchise sa ahensiya ng gobyernong PAGCOR, na mag-operate ng mga casino sa iba’t ibang panig ng bansa.

Iyon nga lang, patuloy pa rin ang paglabag ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno at ang resulta, kapag naubusan ng pera, korapsiyon at pangongotong ang uwi ng mga hinalipak.

Ito Ang Totoo: matagal nang isinasawalang-bahala ang bagay na ito kaya maraming sangay ng gobyerno ay naaapektuhan na ng negatibo.

Kung talagang seryoso ang administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino lll, pagtutuunan niya ng pansin ang masamang bisyong ito ng mga nasa gobyerno.

Tulad sa SBMA at sa Olongapo, tingnan ang mga CCTV video file ng mga casino at nang makita kung itong si Atty. Severino Pastor, head ng SBMA labor department, ay talagang g…, este, guwapo. Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply