Sumigaw ng pokpok sa dalaga niresbakan, dedo

crime

DAHIL sa salitang “pokpok”, isang dalaga ang rumesbak na may kasamang kalalakihan at ikinamatay ng isang gwardiya kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Hindi na umabot pang buhay sa Pasay City General Hospital (PCGH) si Angelito Tanael, 36, may-asawa, huling nakatira sa 4107 Macabulos St., Brgy. Bangkal, Makati City dahil sa mga tinamong tama ng bala sa dibdib. Kaagad namang nagsitakas ang mga suspek kabilang ang ama na hindi pa natutukoy ang pangalan, ina ng dalaga na may alias na “Negra”, isa umanong tulak ng ilegal na droga.

Nabatid sa ulat ni SPOI Arnel Noriega, ng Makati City Police Investigation Section, na nag-iinom ang biktima kasama ang ilang kaibigan at kaanak sa kanto ng M. Reyes at Mascardo Sts. nang mapadaan ang dalaga (hindi binanggit ang pangalan) at sinigawan ng “pokpok”.

Nagalit ang dalaga kaya’t umuwi sandali.  Sa kanyang pagbalik, kasama na niya ang ama, ina at ilang kabataang lalaki. Dito nagkaroon ng argumento ang dalawang grupo hanggang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang biktima.

Nagsipulasan ng takbo ang mga suspek matapos ang pamamaril habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima na kaagad binawian ng buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply