Supermodel N. Campbell inagawan ng bag, sugatan

naomi-campbell

PARIS, France – Nasugatan ang supermodel na si Naomi Campbell matapos tangkaing agawan ng bag ng motorcycle in tandem sa nabanggit na lugar.

Ayon sa French police, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang nagtangkang hablutin ang handbag ng modelo habang ito’y nakaupo sa kanyang sasakyan.

Dahil dito, sinasabing nagkaroon ng torn ligament si Campbell sa kanyang kaliwang binti.

Sa katunayan, nakunan ng larawan si Campbell habang nakasakay sa wheelchair at may brace pa ang paa nito.

Bagama’t nagsampa na ng reklamo sa pulisya ang modelo, tumanggi naman itong magpasailalim sa medical examination.

Tumanggi namang magkomento ang kampo ng modelo hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply