Suporta ng Kamara sa electoral system ni PNoy, ipinanawagan

pnoy0

NANAWAGAN ang ilang mambabatas na suportahan ang reporma sa electoral system ng bansa na isinusulong ngayon ng Pangulong Benigno Simeon Aquino at ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Tarlac Rep. Susan Yap na kinakailangang madaliin ngayon ang paglilinis sa electoral system ng bansa lalo’t papalapit na ang 2013 midterm election.

Tiwala si Yap na ang maayos na electoral system ang siyang susi sa political at socio-economic reforms na matagal ng pinapangarap ng taumbayan.

Iginiit ni Yap na kailangang maging malinis ang halalan at ang publiko ang siyang masusunod sa pagpapatakbo sa gobyerno.

Si Yap ang may-akda ng House Bill 3469 na layong kumpletuhin ng mga rehistradong botante ang kanilang biometrics tulad ng pagkuha ng litrato, fingerprints at pirma ng botante.

Naratipikahan na ang nasabing panukala noong Disyembre ng nakaraang taon at umaasang aaprubahan ito agad ng Pangulong Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply