Supporters ni CGMA sumugod sa SC

supreme-court-of-the-philippines

NILUSOB ng mga tagasupota ni Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ang Supreme Court para hilingin dito na itigil ang kaso laban sa dating Pangulo.

Bitbit ang kanilang mga placard, nanawagan ang mga supporter ni Ginang Arroyo na itigil ang pagdinig sa plunder case na kinakaharap nito.

Giit ng tinatayang 100 tagasuporta ni Arroyo, na mismong ang Commission on Audit (COA) na ang nagsabing walang iregularidad sa paggamit ng dating Pangulo sa P300 million intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

Kasama sa mga kinasuhan ay sina PCSO ex-Chairman of the Board Sergio Valencia, ex-General Manager Rosario Uriarte, ex-Board Member Manuel “Manoling” Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero, Maria Fatima Valdez at ex-Account Manager Benigno Aguas.

Sangkot din sa kaso ang mga dating opisyal ng Commission on Audit (COA) na sina ex-Chairman Reynaldo Villar at Intel-Fund Unit Manager Nilda Plara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply