Suspek na wanted sa pagpatay, tiklo sa boga

crime7

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang isang 39 anyos na tambay at suspek sa pagpatay sa sarili nitong kapatid nitong nakaraang Disyembre sa Malate, Manila , matapos matimbog sa Cebu kung saan ito nagtago.

Kasalukuyang nasa Cebu Police District ang suspek na nakilalang si Jorge “Jeck-Jeck” Vistal na dating residente ng 2343 BMC –Tower 2 Osmena Highway, Malate.

Nabatid sa report ng pulisya, gabi ng dakong 11:00 ng ituga ang suspek at matimbog sa tinutuluyan nitong bahay sa Flores Lewis , Pasil Cebu, dahil sa umano’y pagdadala ng kalibre 45 baril.

Dito lumitaw na wanted ito sa Manila, dahil sa pagpatay sa pamamagitan ng pagsaksak ng ice pick sa sarili nitong kapatid na nakilalang si Efrenita Vistal Y Balatero, 53 anyos, Labandera sa mismong bahay nito sa Malate noong Disyembre 10 ng dakong 6:30 ng umaga.

Nag-ugat umano ang naganap na krimen, matapos tangkaing halayin ng suspek ang sariling kapatid, kaya nagkaroon ito ng mainitang pagtatalo, dahil sa pagkapahiya ng suspek, nakakuha ito ng ice pick na siyang ginamit sa pananaksak.

Maging ang pamangkin nito na asawa ng anak ng biktima na si Marifel Lopano, 26 anyos, waitress ay sinaksak din ng suspek na nagtamo ng tama sa braso.

Nakatakdang dalhin sa tanggapan ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section ang suspek para ipagharap ng kasong murder

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply