Suspek pa sa pagpatay sa Isabela mayor nadakip

alyas-bagwis-jun-mestica

NAARESTO na ang ikaapat na suspek at inginungusong bumaril sa mayor ng Maconacon, Isabela na si Erlinda Domingo sa Barangay Culiat, Quezon City, kagabi (Biyernes, Enero 25).

Kinilala ang nadakip na si Marsibal Abduhadi Endaman alyas Bagwis.

Si Endaman ay nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Salum Compound sa Brgy. Culiat.

Nakuha sa pag-iingat ni Endaman ang 9 mm machine gun, ilang mga bala, dalawang granada at hinihinalang sachet ng shabu at coccaine.

Nahaharap si Endaman sa kasong murder, frustrated murder, illegal possession of firearms, usurpation of authority at paglabag sa election gun ban at Comprehensive Dangerous Drug Act.

Sa ngayon, dalawa na lamang sa mga suspek ang tinutugis ng mga awtoridad.

Samantala, sinabi naman ni Quezon City Police District (QCPD) District Director Senior Supt. Richard Albano na isasailalim nila sa intergasyon si Bagwis at ang tatlong naunang nahuling suspek na sina Christian Pahinado, Michael Domingo at Mary Grace Abduhadi upang malaman kung sino ang nag-utos sa kanila para patayin ang alkalde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply