3 suspek sa pag-ambush sa Mayor ng Isabela naaresto sa QC

NAARESTO na ng Quezon City police ang tatlo sa mga suspek na nanambang kagabi sa Maconacon Mayor ng Isabela City sa Quezon Avenue corner Examiner St., Quezon City.

Patay agad si Maconacon Mayor Erlinda Domingo ng Isabela City habang sugatan naman at isinugod sa pagamutan ang kanyang driver bodyguard.

Sa inisyal na imbestigasyon, dadalo sa isang wedding anniversary si Domingo nang barilin ng mga suspek na ang isa ay agad namang naaresto ng pulisya.

Nakuha sa naarestong suspek ang isang kalibre 45 baril na hinalang ginamit sa pamamaril.

Dalawa pang suspek ang pinaghahanap ng awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply