Suspek sa pagkamatay ni Nicole Ella, papanagutin – De Lima

leila de lima

TINIYAK ni Justice Secretary Leila de Lima na gagawin ng gobyerno ang lahat upang  matukoy at mapanagot ang suspek na nakabaril at kumitil sa buhay ni Stephanie Nicole Ella noong kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Ginawa ni de Lima ang pagtiyak matapos na dumalaw ito sa burol ni Nicole upang ipaabot ang pakikiramay ni Pangulong Benigno Aquino.

“I just came from the wake of Nicole. Pumunta po ako para makiramay at para iparating na rin ang pakikiramay ni President Noy and the assurance to the family na ginagawa ang lahat para ma-solve agad ang insidente at matukoy kung sino ang may kagagawan at papanagutin,” ayon sa kalihim.

Sinabi ni de Lima na kanya ring pagpapaliwanagin ang prosecutor na may hawak sa kaso ng apat na nahuli at umaming nagpaputok ng baril kung bakit alarm and scandal lamang ang ikinaso sa mga ito.

Gayunman, inatasan na ng kalihim ang prosecutor general na repasuhin ang findings sa kaso.

“Noong nalaman ko na ganun lang yung charge, I immediately directed the prosecutor general to review the findings kung ‘yan lang ba dapat ang isampa (alarm and scanda)l. I’m asking for an explanation as to why dinismiss yung illegal discharge of firearm. Kung pwede ipa-review at i-modify yang charge na ‘yan,” sabi ni de Lima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply