SWAT teams, ipupuwesto malapit sa malls

QCPD

IPUPUWESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang Special Weapons and Tactics (SWAT) teams malapit sa mga malls, upang hindi na maulit ang nakawan na naganap sa SM Megamall sa Mandaluyong City nitong nakaraang Sabado.

Sinabi ni Quezon City Police District chief Senior Superintendent Richard Albano na ang paglalagay ng mga SWAT teams at ang kanilang quick response to contingencies ay masasawata ang mga kriminal na target ang mga shopping mall.

Itinutulak din ni Albano ang paglalagay ng X-ray machines sa mga mall upang ma-detect agad kung may dalang baril ang mga kostumer na papasok dito.

Kaninang umaga lamang (Enero 29), nagkasa ng tactical inspection and safety ang QCPD at ang Bureau of Fire Protection sa mga  malls sa lungsod.

Matatandaan, na nitong Sabado, sinalakay ng mga miyembro ng Martilyo gang ang SM Megamall sa Mandaluyong City at nakatangay ng maraming piraso ng mga alahas sa dalawang establisimyento roon.

Nabatid na bumili ang mga suspek ng mga wrenches sa isang hardware store sa naturang mall at ginamit sa pagbasag sa mga iskaparate ng mga tindahan ng mga alahas bago nagpaputok ng kanilang mga baril upang magdulot ng kaguluhan sa mga namimili.

Wala namang namatay o nasaktan sa insidente kasabay ng pagtiyak ng Philippine National Police sa publiko na ang seguridad sa mga malls ay mas lalong hihigpitan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply