Swedish national timbog sa buy bust sa Parañaque

NASAKOTE ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) at National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang Swedish national sa isinagawang buy bust operation kagabi sa Parañaque city.

Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Bjame  Chelin, 68, ng 1EB Annex 38 Brgy. Don Bosco, nabanggit na lungsod.

Nabatid sa ulat na nagpanggap na buyer si PDEA agent Leverette Lopez makaraan ang ikinasang transaksyon sa bibilhing droga.

Nang magkasundo, ikinasa ang bilihan ng droga sa Manuel L. Quezon St., Malacañang Village, Paranaque City.

Habang inaabot ng suspek ang isang kilong shabu, agad  na sinakote ng awtoridad ang suspek at nabawi ang salaping ginamit sa buy bust operation pati na ang ibinebentang droga dakong 11:30 kagabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply