UPDATE: Tagakarga ng bala ng Kawit massacre suspect, positibo sa shabu

john-paul-lopez

POSITIBO sa droga!

Ito ang lumabas sa pagsusuri ng pulisya sa sinasabing tagakarga ng bala sa baril ng napatay na suspek sa naganap na shooting rampage sa Kawit, Cavite noong nakaraang linggo, ikinamatay ng walo katao at ikinasugat ng siyam iba pa.

Batay sa resulta ng drug test ni John Paul Lopez, maliban sa alkohol ay positibo rin siya sa shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na simula noong Huwebes ay nag-iinuman na ang gunman na si Ronald Bae at  Lopez.

Si Lopez ang itinuturong nagbibigay ng bala kay Bae habang walang habas na binabaril ang mga kapitbahay.

Pero ang depensa ni Lopez, tinakot lang aniya siya ni Bae na babarilin kung hindi siya sasama kaya napilitan siyang tumulong habang isinasagawa ng suspek ang krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply