Tagle sa mga deboto ng Nazareno: Maging saksi sa pag-ibig ni Kristo

replika

HINIMOK ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na tunay na maging saksi sa katotohanan at pag-ibig ni Kristo.

Ito ang panawagan ng Kardinal sa kanyang homiliya sa misa na idinaos sa Quirino Grandstand bago simulan ang taunang prusisyon para sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno.

Sinabi rin ni Tagle sa homiliya na ang tunay na pagdedebosyon kay Poong Nazareno ay para maging saksi sa katotohanan na ang buhay ay sagrado at maging saksi na dumating si Hesu Kristo hindi para ipahamak ang kapwa kungdi mabuhay sa ganap na buhay at kapayapaan.

Kasabay nito, hinikayat din ng Cardinal ang mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na labanan ang kasinungalingan na sumisira hindi lamang sa tao at lipunan kundi maging sa anak ng Diyos.

Inihalimbawa ni Tagle ang laganap na karahasan at patayan na nagaganap sa bansa dahil wala sa puso ng tao ang pag-ibig ng Panginoon.

Ayon kay Tagle, ang tunay na deboto kay Poong Nazareno ay makikilala sa kanyang tunay na pananampalataya, pananalig at buhay na pakikipag-ugnayan kay Hesus.

Inihayag din ng Cardinal na ang Pista ng Black Nazarene ay pagdiriwang ng pananampalataya sa Panginoon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply