Tambay patay sa saksak sa dibdib sa Binondo

PALAISIPAN sa awtoridad kung sino ang pumatay sa 37-anyos na tambay na natagpuang wala nang buhay at may tama ng saksak sa dibdib sa kanilang lugar sa Binondo, Manila kaninang madaling-araw.

Hinalang nakulitan ang hindi pa nakikilalang suspek sa biktimang si Eljin Ventanilla, 37, ng 521 Madrid St., Binondo kaya sinaksak ito sa dibdib.

Sa report, alas-3:30 ng madaling-araw, nang makitang nakahandusay si Ventanilla na may tama ng saksak sa kanang dibdib.

Bago ang insidente ay nakitang nakikipag-inuman ang biktima at nagiging makulit na.

Nagawa pang maisugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktima, ngunit idineklara ring dead on arrival.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply