Tañada umaasang maipapasa ang FOI bill

tanada3

PATULOY na umaasa ang pangunahing may-akda ng Freedom of Information Bill na si House Deputy Speaker at Quezon Rep. Erin Tañada na maisasabatas din ang panukala.

Tinukoy ni Deputy Speaker Erin Tañada ang naging aksyon ng Korte Suprema na maisapubliko ang oral arguments hinggil sa Anti-Cyber Crime Law sa pangangailangan ngayon para maisabatas ang Freedom of Information o FOI Bill.

Binigyang diin ni Tanada na ang pagsasapubliko ng oral arguments na maaaring ma-download online ay malaking hakbang para maipakita sa publiko na maigting ang pagnanais na magkaroon ng transparency sa pamahalaan.

“I congratulate the Supreme Court and its Public Information Office led by Atty. Theodore Te for making the oral arguments on the Cybercrime Law available for the public to download online. This is a revolutionary step in showing the people our sincere desire for transparency in government.”

Sinabi pa ni Tañada na ang mga ganitong hakbang ng SC ay nagpapalakas para maipasa ang FOI Bill upang matugunan ang konkretong mekanismo sa pagbuo ng isang gobyerno na bukas at tapat sa lahat ng proseso at transaksyong ginagawa.

Aniya, matitiyak sa FOI ang magandang kasanayan sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan ng sa gayon ay maging accountable ang mga public officials sa taumbayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply