Tandang Sora Shrine, museum bubuksan sa publiko

tandang-sora-shrine

BUBUKSAN na ng Quezon City government ang Tandang Sora National Shrine at Bicentennial Museum nito bilang simbolo ng pagtatapos ng bicentennial birth anniversary ni Melchora “Tandang Sora” Aquino bukas, Enero, 6, 2013.

Pangunahing tampok sa shrine ang sculpture ng renowned visual artists na si Abdulmari Imao, Toym Leon Imao at Frederic Caedo na nagsasalarawan sa bawat yugto ng buhay ni Tandang Sora.

Makikita rin sa loob ng Bicentennial Museum ang lahat ng cultural works na likha ng mga mag-aaral at artists mula sa Quezon City bilang pagpupugay kay Tandang Sora.

Kasabay ng pagbubukas ng shrine ang inagurasyon ng museum kung saan Guest of Honor si Pangulong Benigno Aquino III.

Tampok naman ang mga feature performance ng Philippine Educational Theater Association (PETA) at ng Dulaang Melchora Aquino ng QC Polytechnic University sa mga aktibidad ng bicentennial celebration.

Si Tandang Sora ay isa sa mga kababaihang nabigyan ng pagkilala sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa kanyang kabayanihan sa kilusan ng Katipunan.

Idineklara namang isang national shrine ang Tandang Sora National Shrine ng National Historical Commission of the Philippines noong Enero 24, 2012.

Ang naturang shrine at museum nito ay bukas sa publiko mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Martes hanggang Sabado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply