Tanggapan ng PPP sa QC, nilusob ng mga maralita

LUMUSOB ang grupo ng mga maralita ang lumusob sa opisina ng Public-Private Partnership (PPP) sa Quezon City ngayong umaga upang ipakita ang kanilang disgusto sa ipinapatupad na pagsasapribado ng mga ahensya ng gobyerno ng administrasyong Aquino.

Ang mga miyembro na mula sa grupo ng Kadamay at Anakpawis ay galit sa planong pribatisasyon ng Philippine Orthopedic Center (POC) at 28 iba pang mga pampublikong ospital at medical center sa buong bansa.

Ayon kay Carlito Badion, national secretary-general ng Kadamay, ang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital ay papatay sa mga maralitang pasyente.

“Hindi kayang mabayaran ng mga maralitang pasyente ang ilang beses na itaas kapag pribado na ang serbisyo at mismong ang mga ospital ng gubyerno,” ani Badion na nagbanggit na 6 sa 10 maralitang pasyente ang namamatay dahil sa kawalang kakayahang magpagamot.

Inaasahan pa umanong tumaas ang bilang na ito sa mga darating na mga araw kapag gumulong na ang iba’t ibang PPP project sa sektor ng kalusugan.

“Ito ay isang malinaw ng genocide ng mga maralita sa ilalim ng administrasyong Aquino,” dagdag ni Badion.

Sa Enero 25 ay maglulunsad ang PPP Center ng isang Pre-Bid Conference sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para sa mga negosyanteng interasado sa Modernization of Philippine Orthopedic Centeru (MPOC) na isa sa mga pangunahing PPP project sa sektor ng kalusugan.

Inaasahang itayo sa Hulyo 2013 ang isang modernong orthopedic center sa loob ng NKTI compound kapag natapos na ang bidding process para sa MPOC.

Ayon sa Kadamay, hahadlangan ng mga maralita kasama ng mga health workers ng Philippine Orthopedic Center ang nasabing conference, at ang mga ilulunsad pang bidding process ng gubyerno kaugnay sa pribatisasyon ng POC.

Liban sa POC, nakatakda ring isapribado ang National Center for Mental Health at Research Institute for Tropical Medicine sa ilalim ng PPP ni Aquino.

Dalawampu’t anim ang pampublikong ospital at medical center sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa ang plano ring ikorporatisa o gawing government owned and controlled corporations (GOCC) ng administrasyong Aquino sa pagpasa ng  House Bills 6069 and 6145, at ng Senate Bill 3031.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply