Tanod tinaga ng pasaway, kritikal

NALAGAY sa panganib ang buhay ng isang barangay tanod nang pagtatagain ng isang kilalang “pasaway” matapos itong sitahin sa nawawalang cellphone kaninang madaling araw sa Pasay City.

Nasa malubhang kalagayan at nilalapatan ng lunas sa Pasaay City General Hospital bunga ng tama ng taga sa ulo at kaliwang braso ang biktima na kinilalang si Bonifacio Curbi, 49, Baranga Tanod sa Brgy 129, Zone 13, at resident eng No. 2451 M. Dela Cruz St., ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni Police Chief Inspector Rodolfo Baula, hepe ng Police Community Precinct 5, ang insidente ay naganap dakong 2:00 ng madaling araw nang sitahin ng biktima ang suspek na kinilalang si alyas “Jojo Kululit” hinggil ini-report na nawawalang cellphone sa barangay hall.

Dahil dito, nairita umano ang suspek sa akusasyon ng biktima at nagkaroon ng mainitang pagtatalo at iginiit ng suspek na hindi niya alam ang ibinibintang ng suspek.

Sa gitna ng pagtatalo, nakakuha ang suspek ng jungle bolo at biglang tinaga ang biktima na tinamaan sa ulo at kaliwang braso.

Makaraan ang pananaga, agad na tumakas ang suspek dala ang itak na ginamit sa biktima at pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply