Task force laban sa karahasan sa mga abogado, itinatag ng IBP

IBP

BUBUO ang Integrated Bar of the Philippines ng special task force na magiging katuwang ng mga ahensya ng gobyerno para matugunan ang mga banta at karahasan laban sa mga abogado sa iba’t ibang panig ng bansa.

Iyan ay kasunod na rin ng naganap na pamamaril sa Cebu Palace of Justice kung saan nasawi ang isang doktor, isang abugado gayundin ang suspek na Canadian national.

Sa isang pahayag, tinukoy ng IBP na mariin nilang kinukundena ang nasabing insidente kasabay ng panawagan na kailangang matutukan na ang tumataas na insidente ng karahasan laban sa mga abugado.

Ang IBP ang national organization ng mga abugado sa Pilipinas.

Ayon kay IBP Spokesperson Atty. Trixie Angeles, isasama sa special task force ang mga point person mula sa 85 mga IBP Chapter sa buong bansa.

Kaugnay nito, isa umanong memorandum of understanding ang isusulong nila na malagdaan sa pagitan ng IBP, Department of Justice, Department of Interior and Local Government, National Bureau of Investigation at Philippine National Police.

Ipinaliwanag ni Angeles na sinumang miyembro ng IBP na tumanggap ng pagbabanta o naging biktima ng karahasan o panghihiya, ang presidente ng chapter kung saan siya miyembro ay makikipag-ugnayan sa chaiperson ng National Task Force para humiling ng imbestigasyon at para sa posibleng paghahain ng kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply