Task force vs epal candidates binubuo ng Comelec

comelec-chair-brillantes

BINUBUO ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong task force laban sa mga epal na kandidato na tumatakbo sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., ang task force ay may kapangyarihan na baklasin o tanggalin ang mga ipinakakalat na cam[paign materials tulad ng tarpaulin, banner at iba pang political materials sa mga hindi deklaradong common poster area.

Sinabi pa ng poll chief na katuwang nila ang local government units (LGUs) at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagtanggal ng nasabing mga campaign materials.

Binabalangkas pa ngayon ang magiging parusa sa mga kandidatong matutukoy na umabuso at hindi sumunod sa kautusan ng komisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply