Tauhan ng US warship sinisi sa pagsadsad ng barko sa Tubbataha

tubbataha-reef

MALAKI ang posibilidad na pagkakamali ng mga tauhan at hindi ng palyadong mapa ng USS Guardian ang naging dahilan ng pagkakasadsad sa Tubbataha Reef.

Ayon kay dating Philippine Navy Flag-Officer-In-Command Ferdinand Golez, kahit ang may mga pinakamalalakas at pinakamagagandang barko sa mundo ay sumasablay dahil sa kapabayaan ng mga nagmamaniubra nito.

Dagdag pa ni Golez, sa mahigit 35 taon niya sa serbisyo ay ngayon lamang nangyari ang ganitong aksidente sa karagatan at bilang mandaragat ay dapat alam nito ang mga mapanganib na lugar katulad ng Tubbataha Reef sa Sulu.

Matatandaang sumadsad ang 68 metrong U.S. warship sa nasabing isa sa pinakainiingatang yamang dagat ng bansa halos dalawang linggo na ang nakalipas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply