Taxi driver kinatay ng pasahero sa QC

taxi-driver

PATAY na nang matagpuan ang isang taxi driver sa loob ng kanyang minamanehong taksi sa Quezon City kaninang madaling araw (Enero 13)

Saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktima na nakilalang si Rogelio Franco, 52, may dalawang taon nang naninilbihan bilang tsuper ng Ganal taxi transit service.

Inilarawan naman ang isa sa dalawang salarin na 35-40-anyos, 5’4, nakasuot ng baseball cap, t-shirt at maong pants.

Sa ulat ng pulisya, natuklasan ang krimen alas 12:30 ng madaling araw sa isang madilim na parte ng Daffodil Street sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa testigong si Mark Palomar, bago ito ay naalarma siya nang mapansin na nakaparada ang isang taksi sa naturang madilim na kalsada.

Ilang oras bago ang krimen, kausap ni Franco ang isa sa kapwa niya tsuper na si Jojo Bermudez at nabanggit sa kanya nito na bibiyahe pa siya dahil kulang pa ang kanyang boundary.

Nadiskubre naman ng pulisya ang kutsilyong ipinansaksak sa biktima ilang metro ang layo sa taksi ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply