Taxi niratrat ng nakagitgitan, driver sugatan

crime8

MALUBHANG nasugatan ang isang taxi driver matapos itong habulin at pagbabarilin ng nakagitgitang kotse sa Roxas Boulevard, Maynila kagabi.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Gerry Rivera, kinilala ang biktima na si Tom Regalado, taxi driver at residente ng Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

Nabatid na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Roxas Blvd nang makagitgitan nito ang isang kotse.

Nagalit umano ang di nakilalang mga sakay ng kotse at hinabol ang biktima habang binabaril ang taxi na minamaneho ng huli.

Ayon kay Rivera, umabot ang habulan hanggang sa Pedro Gil kung saan nabasag ang salaming bintana at harapang bahagi ng taxi.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Naisugod pa sa malapit na ospital ang biktima na naiwan naman ang kanyang taxi sa bahagi ng UN Avenue kanto ng MH del Pilar St., Ermita, Maynila.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply