Taxi operator patay sa 2 hired killers

crime

PATAY ang isang taxi operator nang pagbabarilin ng dalawang hinihinalang “hired killers” habang naglilinis ang biktima ng kanyang sasakyan kaninang madaling-araw sa Parañaque City.

Dead on the spot si Fransisco Basug, 61, ng Narra St., Veravilla Village, Barangay San Isidro nang siguraduhin ng mga suspek na hindi na ito mabubuhay matapos paputukan pa ng limang beses habang duguang nakabulagta sa harapan ng kanyang bahay bago mag-alas-5 ng madaling-araw.

Naglakad lamang ang dalawang suspek palabas ng naturang subdivision matapos ang ginawang pamamaslang.

Hindi naman matukoy sa isinagawang imbestigasyon nina SPO1 Fernan Acbang at PO2 Jhonny Margate ng Criminal Investigation Unit ng Parañaque police kung ano ang motibo ng mga salarin sa naturang pamamaslang.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang may kimkim na matinding galit sa biktima na posibleng utak sa naturang pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply