Taxi sumirko sa QC, tsuper, pasahero sugatan

accident

KAPWA sugatan ang isang tsuper at ang pasahero nito nang sumirko ng dalawang ulit sa kalsada ang kanilang sinasakyang taksi sa Quezon City kaninang madaling araw.

Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong sugat sa ulo at katawan ang biktima na sina Delfin Lasaga, 45-anyos, drayber ng R and E taxi na may plakang (TVJ-510) at ang pasahero nitong si Jason Pacavoa, 28-anyos .

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala 1:15 ng madaling araw sa may East Avenue sa Barangay Piñahan na ilang metro lamang ang layo sa EAMC.

Ayon sa ilang testigo, humaharurot ang taksing minamaneho ni Lasaga at habang binabagtas ang nasabing kalsada ay biglang sumalpok sa center island at dalawang ulit na sumirko sa kalsada.

Ayon kay Salve Siason, MMDA medic, nahirapan silang tanggalin ang katawan ni Lasaga sa manibela ng taksi pero natanggal din makalipas ang ilang minuto.

Sinabi naman ni Pacavoa na hindi siya pasahero at kabigan siya ni Lasaga at inamin na nagmula sila sa isang inuman at kapwa lasing nang maganap ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply