Taxpayers binalaan ng BIR sa bagong scam

BIR-HQ

BINALAAN ng Bureau of Internal Revenue ang publiko sa bagong scam na ang tinatarget ay mismong mga taxpayer na kunwari o palalabasin na may malaking tax liabilities.

“The modus operandi consists of informing the intended victim of alleged tax obligations, mostly but not limited to tax on compensation, and advises the intended victim to call certain numbers like 387-44-16, 703-99-54, 408-39-47, purportedly to settle. These numbers do not belong to the BIR, thus, if one day you are also a victim, please ask for documentary proof of the BIR assessment or letter and determine the identity of the caller and report the same to the nearest law enforcement office like the police or the NBI (National Bureau of Investigation),” pahayag ng BIR.

Nadiskubre ang scam matapos makatanggap ang isang taxpayer ng tawag mula sa Office of the Deputy Commissioner-Operations Group at sinasabihan na ito ay may problema o “tax difference.”

Komunsulta naman ang naturang empleyado sa Office of the Deputy sa pamamagitan ng email at sinabihan na ang naturang tawag ay hindi nagmula sa kanila.

Ang pinakahuling tao na tinawagan ng mga impostor ay isang taxpayer na malapit na kaibigan ng mismong Deputy Commissioner.

Ipinaabot ng naturang empleyado sa Deputy na itinaggi naman na mula sa kanila ang tawag.

Pinayuhan ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, sa pamamagitan ng Revenue Memorandum Circular No. 6-2013, ang mga taxpayer na umupa o kunin ang serbisyo ng tax agents o practitioners na accredited ng BIR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply