Team ng DFA na tututok sa Algeria hostage crisis, bumiyahe na kagabi

TUMULAK na kagabi (January 18) ang binuong team ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutuok sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Algeria.

Ito ay kasunod na rin nang nagpapatuloy na hostage crisis doon na kinubkub ng mga terorista ang isang gas field.

Ayon kay DFA Spokesman Asec. Raul Hernandez, kagabi tumulak ang kanilang binuong team para alamain kung may naiwan pang mga Pinoy sa nasabing gas field.

Nakatatanggap pa rin ng ulat ang DFA na may mga Pinoy pang kasama sa mga hinostage.

Base sa datos ng DFA, 34 Pinoy ang nailigtas sa nasabing hostage drama, isa ang nasugatan habang patuloy pa rin kinukumpirma ang report na may dalawang namatay.

Nabatid na mayroong 3,400 Pinoy sa Algieria na karamihan ay nagta-trabaho sa gas field.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply