Technician kulong sa nakaw na cellphone

behind-bars-4

KULONG ang isang cellphone technician matapos makuhanan ng nakaw na cellphone sa Caloocan City, Miyerkules ng umaga (Enero 30).

Nakilala ang nadakip na si Michael Israel, 25 ng Sampaguita St., 11th Avenue ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Samuel Candelaria, 29, dakong alas-6:00 ng umaga nang malaman na nawawala ang kanyang iPhone 4S, Blackberry, Myphone, lady’s Lacoste wristwatch, wedding ring at wallet na naglalaman ng P8,000 na nakalagay sa unang palapag ng kanilang bahay sa Cordero St., ng lungsod.

Dakong alas-8:00 ng umaga, nag-ikot sa Victory Central Mall ang biktima at napansin ang isang iPhone 4S na naka-display sa isang estante.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at nakumpirmang kanya ang nasabing cellphone.

Agad na inalam ng mga pulis kung sino ang nagdala ng naturang cellphone sa nasabing tindahan at natumbok si Israel na naging dahilan upang dalhin sa presinto para maimbestigahan.

Hindi naman nakita ang iba pang nanakaw na gamit sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply