Temperatura sa Baguio sumadsad sa 9.5°C

baguio-city

SUMADSAD na sa 9.5 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City kaninang madaling araw.

Nabatid na ito na ang pinakamababang temperatura sa Baguio City na naitala ngayong taon.

Kinumpirma ng PAGASA na ito ay bunsod pa rin ng hanging Amihan o malamig na hanging galing sa China at Siberia.

Una nang sumadsad ang temperatura sa Baguio City sa 10 degrees Celsius mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw noong Martes.

Matatandaang umabot ang temperature ng naturang lungsod sa 6.3 degrees Celcius, pinakamababang naitala sa kasaysayan noong Enero 18, 1961.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply