Temperatura sa Metro Manila umabot sa 18.1°C

NAITALA ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong araw na umabot sa 18.1°C (degrees Celsius).

Ayon sa latest report ng PAGASA, naitala ang naturang temperatura sa Metro Manila kaninang alas-5:55 ng madaling araw.

Una nang pumalo sa 18.8 °C ang temperatura sa NCR nitong Enero 21.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, ang malamig na panahon ay dulot pa rin ng umiiral na Amihan at cold front.

Asahan aniya ang malamig na panahon hanggang sa kalagitnaan ng Pebrero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply