Tent classrooms, dinagdagan ng DepEd

classroom-2

BUMILI ng karagdagang 200 tents ang Department of Education (DepEd) para gawing classroom sa mga lugar na rinagasa ng bagyong Pablo sa Davao Oriental at CARAGA region.

Ayon kay Education Secretary Armin A. Luistro, ito ay para hindi mabalam ang pag-aaral ng mga estudyante na naturang lugar.

“As much as possible, we do not allow interruption of classes while repair and rehabilitation works are in progress, we have tents to serve as temporary classrooms,” pahayag Sec. Luistro.

Binanggit ng kalihim na gagamitin din ang mga tents para maisagawa ang debriefing sa mga biktima ng bagyo lalo ang mga estudyante.

Nagpadala din ang kagawaran sa Mindanao ang mahigit 70 libong textbooks na gagamitin ng mga istudyante habang sasailalim sa refresher course ang may 60 trainers para sa Modified In-School and Off-School Approach (MISOSA) at electronic Instructional Management by Parents, Community and Teachers (e-IMPACT).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply