Thai, 2 pa nalambat sa pagtutulak sa droga

behind-bars-2

TAGUIG CITY – GANAP ng nahulog sa kamay ng batas ang isang Thailand national matapos  itong maatukhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamut sa ikinasang surveillance at buy-bust operation ng mga undercover agents ng SAID-SOTG kamakalawa ng hapon sa Barangay Bagumbayan ng naturang lungsod.

Kinilala nina arresting officers PO3 Noel Antillion Jr., PO3 Christopher Bonifacio at PO3  Marvin Zata ang kanilang mga binitbit sa magkakahiwalay na buy-bust operations na sina Anna P. Roengsamran, alyas “Me’em,” 40, tubong Thailand, nakapag-asawa ng Pinoy at nakatira sa Unit 154-E Manalo Apartment, Holy Family Village, Brgy. Bagumbayan,  at Crispin P. Manalo, alyas “Bakla,” 38, sinasabing kapatid ng isang Brgy. Chairman ng Brgy.

Bambang, nakatira sa 14-A Citeo Mastrili St., Brgy. Bambang, at isang nagngangalang Gerardo M. Samson, alyas “Gerry,” 48, at nakatira sa RR St., Brgy. Bambang.

Dinampot ang mga suspect sa pamamagitan ng info -text ng mga concerned citizens.

Nasamsam mula sa Thailander ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng 0.09grams high grade methamphetamine hydrochloride o shabu, habang nakuha naman kina Manalo at Samson ang 1.02 grams na kinumpirma ng SPD Crime Laboratory na dangerous substance.

Nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng Article 2 RA9165 ang mga suspek./Peter Corpuz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply