Tinawag na magnanakaw nagpakamatay

PATAY na nang matagpuan ang isang binata sa Camarines Sur matapos magbigti sa puno ng sampalok matapos pagbintangang nagnakaw ng pili nuts.

Kinilala ang biktima na si Marlon Ihino, 21, ng Zone 5, Barangay San Nicolas, Iriga.

Sa imbestigasyon, nabatid na nakita ng kanyang mga kapitbahay ang biktima na nakabitin na sa puno ng sampalok hawak-hawak pa ang summon ng lupong tagapamayapa ng kanilang barangay.

Nabatid na bago ang pagpapakamatay ng biktima ay inireklamo siya ng kanyang kapitbahay ng pagnanakaw ng pili nuts.

Sinasabing ang labis na kahihiyan ang nagtulak sa biktima para piliin na lamang na magpakamatay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply