“Tipster” na kapitbahay, arestado

tiklo

ARESTADO ang isang hinihinalang ‘tipster’ na kasabwat umano sa panloloob ng tatlong kalalakihan sa bahay ng isang 39 anyos na negosyante sa Sta. Cruz, Maynila.

Mariin namang itinanggi ng suspek na si Florentino Cabasal, 49, barangay tanod at residente ng 13-C Voctory Ave. Brgy. Tatalon, QC na may kinalaman siya sa ginawang panloloob ng suspek na nakilala lamang sa mga pangalang Jose Aguilar Patidongan,alyas Jun, 43, dating security guard ng mag-asawang biktima na sina Elenita,46; at Artemio Andales, 48, negosyante at taga 2457 P.Guevarra St. Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa reklamo ng mga bikima sa Manila Police District-Theft and Robbery Section, pumunta sa kanyang bahay si Patidongan noong Disyembre 30, kasama ang tatlong lalaki.

Iginapos umano sila at kinuha ang bag na naglalaman ng P380,000, dalawang relos,bago nagsitakas.

Nakilala umano ng mga biktima ang suspek na si Patidongan, dahil una umano itong isinama sa kanyang bahay ni Cabasal noong Disyembre 15, at nagpanggap na buyer sa ibinebenta ng biktimang motorsiklo.

Sa halip na bilhin na ang motor ng biktima at nagawa pang magsanla din ng motorsiklo na Honda 125 cc si Patidongan sa halagang P20,000.

Noong Dsyembre 30, ay muling bumalik ang suspek sa bahay ng biktima at humihingi ng karagdagang P10,000 sa isinanlang motorsiklo na tinanggihan naman ng biktima.

Dahil dito, tinutukan ng baril sa leeg ng isa sa tatlong suspek si Elenita at kinuha ang bag nitong kulay itim na naglalaman ng pera bago iginapos ang mga biktima at saka tumakas.

Naghinala ang mga biktima na kasabwat si Cabasal na dati nilang kapitbahay ng mga suspek, kaya ito ipinaaresto sa pulisy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply