Titser timbog sa pagtutulak ng iligal na droga

PDEA-2

NAHULI ang isang public school teacher na umano’y nagtutulak ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City.

Naaresto ang suspek na si Arnulfo Remijio alyas “Kid”, guro sa Amparo High School sa Caloocan City, makaraang maaktuhang nagbebenta ng shabu sa ahente ng PDEA na nagpanggap na buyer sa bahagi ng University of the Philippines (UP) Campus sa Quezon City.

Nakuha sa suspek ang ilang drug paraphernalia at ang P500 marked money.

Pahayag ng PDEA, si Kid din ang itinuturong tulak ng iligal na droga sa ilang kilalang gimikan sa Commonwealth Avenue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply