TNT vs RoS sa PBA Finals

ros

PAREHO ang pakay ng Talk ‘N Text Tropang Texters at Rain or Shine Elasto Painters. Ito ay ang masungkit ang titulo sa nagaganap na PBA 2012-13 Philippine Cup.

Kaya naman paniguradong umaatikabong bakbakan ang labanan dahil parehong magiging makulay sa kanila ang tagumpay.

Maghaharap ang defending champion TNT at PBA Governors Cup ruler RoS sa darating na Miyerkules, (Enero 9) sa best-of-seven All-Filipino Finals na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum.

Namumuro ang Texters sa kanilang pangatlong sunod na All-Filipino tilt habang tutuhugin naman ng Painters at ikalawang sunod na kampeonato.

Pagkakataon ng Tropa ni coach Norman Black na tapatan ang ginawa ng Crispa noong 1979, 1980 at 1983 na nagkampeon sa All-Filipino.

Naunang sumampa sa Finals ang Elasto Painters nang patalsikin nila ang mahigpit na karibal na San Mig Coffee, 4-2 at kagabi ay naupuan ng TNT ang ikalawang silya nang kalusin nila ang Alaska Aces, 4-2.

Sa huling laro ng Texters ay dumaan sila sa butas ng karayom bago nila nilista ang 83-78 panalo laban sa Aces.

Kahit nalubog sa 10 puntos ang Aces sa second quarter ay hindi ito sumuko at naidikit nila ito sa limang puntos may 3:19 minuto pa sa final canto.

Subalit naging kalmado ang mga kamay ni Jimmy Alapag at sinalpak nito ang dalawang free throws upang selyuhan ang panalo ng Texters, 82-75 may 12.9 segundo na lamang sa orasan.

Tumapos si Jayson Castro ng team-high 16 points sinundan siya ni Alapag na may 15 puntos habang rumesponde ng tig-11 pts. sina Jared Dillinger, Kelly Williams at Ranide De Ocampo.

Si Calvin Abueva ang nanguna sa opensa para sa Alaska nang ilista nito ang career-high 23 points at may 13 rebounds pa para sa pang-11 double-double sa kanyang paglalaro sa liga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply