Tomboy, nanay tinaga ng selosong padyak driver

crime11

KAPWA sugatan ang isang mag-ina nang pagtatagain ng selosong padyak driver na kanilang kamag-anak sa Albay kaninang madaling-araw.

Nagtamo ng taga sa likod, tagiliran at sa kamay ang biktimang si Celma Binas, isang tomboy at kanyang nanay na si Amalia kapwa residente ng Barangay Pinaric, Legaspi City.

Hinahanting na ng pulisya upang panagutin sa krimen ang suspek na si Phil Christian Binas residente sa nasabing barangay.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala 1:30 ng madaling-araw sa isang bisinidad sa nasabing barangay.

Ayon kay Celma, bago ang insidente ay bigla na lamang siyang pinagsusuntok ng suspek habang siya ay pauwi sa pag-aakalang itinatago niya ang misis nito na kanyang dating karelasyon.

Sa kabila ng tinamong pambubugbog, nakauwi si Celma para sunduin ang kanyang nanay at upang magpa-medical at magpa-blotter sa pulisya.

Subalit paglabas ng mag-ina sa kanilang bahay ay bigla silang pinagtataga ng itak na dala ng suspek.

Selos ang motibo sa pananaga sa mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply