Tomboy sinaksak ng kalive-in, malubha

crime11

KRTIKAL ang lagay ng isang babaeng tomboy matapos itong pagsaksakin ng live-in partner nito ng magtalo ang una at huli sa loob ng supek sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Jennifer Flores y Hernandez 40, (tomboy) ng Leonson St. San Roque Navotas City.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad si Peter Ladia @ Ria 33, ng lungsod, live-in partner ng btiktima matapos itong tumakas dala ang ginamit na patalim.

Ayon sa imbestigasyon ni Sp04 Ferdinand Esperitu ng Investigation Division (SID) ng Malabon pulis, dakong alas 3:00 ng hapon ng naganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing lungsod.

Nabatid, nag-iinuman ang una nang kapwa malasing nag selos ang biktima sa suspek na may kinahuhumalingang lalaki na agad namang ikinairita ng huli hanggang sa humantong ng mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo biglang kumuha ng patalim si Ria at agad sinaksak sa tiyan at sa iba’t ibang bahagi pa ng katawan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima ay dinala sa nasabing pagamutan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply