Tone-toneladang basura iniwan sa pagsalubong ng Bagong Taon

MAHIGIT sa 150 truckload ng basura o katumbas ng halos 100 tonelada ng basura ang nakolekta sa mga  pangunahing lugar sa Metro Manila matapos ang makulay na pagsasalubong ng taon.

Sa record ng Metro Manila Development Authority base na  rin sa mga report na isinumite ng ibat ibang garbage  contractor sa kalakhang Maynila katumbas umano nito ay daan-daang tonelada ng kalat na naiwan ng mga New Year revelries sa mga pampublikong lugar, kasama na ang mga parke at kalsada gaya ng Luneta sa Maynila

Ayon kay Col. Carlos Baltazar, Manila Department of Public Service malaking volume ng basura ay nagmula sa Luneta sa lungsod ng Maynila habang tambak din ang nahakot sa mga common firecracker zone at mga palengke.

Sinabi pa ni Baltazar na kinailangan niyang makipag-ugnayan sa Leonel trucking na siyang taga-hakot ng basura sa Maynila na magdagdag ng mga truck at tauhan bukod pa sa mga pinag-overtimer na tauhan ng Manila DPS para lamang mahakot ang tambak ng basura at para manumbalik sa normal ang pamamuhay sa lungsod.

Sinasabing alas-3:00 pa lamang ng madaling araw ay nakikipagsabayan na ang Leonel Trucking at DPS sa mga  tagapaglinis mula sa MMDA subalit inabot pa rin sila ng tanghali.

Libu-libo ang nagpalipas ng pagpapalit ng taon sa Luneta dahil sa New Year countdown at pag-iwas ng  mga ito sa panganib ng mga paputok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply