TOTAL GUN BAN DAW OH…

baletodo ed verzola

REAKSYONISTA! Ito ang tingin ko sa ilang nagtutulak ng “total gun ban” para raw maitigil ang walang kuwentang pagpapaputok ng baril tuwing araw ng Pasko o Bagong Taon.

Sa panukala ni Cong. Roger Mercado, dapat daw pulis, military at ibang awtoridad lang ang humawak ng armas. Sabi naman ni Ka Nanding Pacheco ng Gunless Society, ipagbawal na kahit kanino ang pagkakaroon ng baril, lisensiyado man o hindi.

Yaong iba, itinuturing na kriminal ang may mga baril, pati mga pulis anila, ginagamit ang baril sa masama kaysa pamprotekta sa taumbayan.

Tanggap natin ang ilang argumento pero sana, Pag-isipan natin ng tama at husto bago tayo kumana ng todo.

Para sa atin, mas maganda pa nga ang panukala ni Senador Lito Lapid, mababa nga ang pinag-aralan pero mas matalino sa laman at postura. Sa kanyang panukala, itodo ang parusa sa mga abusadong may baril na pinakamababang kulong ay 6 na taon at habambuhay sa mapatutunayang nagpaputok at nakatama ng inosenteng kababayan natin. O, di ba?

Mahigit 30 ang panukala sa Kongreso kontra pagkakaroon ng baril nang mamamayan. Sabida, nakamamatay lang ang armas na dapat ay pang-awtoridad lamang. Sa unang tingin tama. Ako mismo ay payag sa panukala ng mga onorableng mambabatas-politiko natin – sa isang kondisyon-

hubaran muna nila ng armas ang lahat ng kriminal, rebelled, terorista, sesesyonista at lalo na, ang kanilang GOONS ala bodyguards!

Bakit hindi tingnan ang datus ng pambansang pulisya sa talaan ng kanilang crime book? Hala, buksan at basahin ninyo para ilan lang ang talagang biktima ng baril kung ikukumpara sa napatay sa saksak, palo, hampas, sakal, umpog, bugbog, droga, at marami pa. Sabi, kahit barbeque stick ay nakapapatay!

Mas makabubuti kung pagbubutihin ng Philippine National Police (PNP) ang pagkontrol sa pag-aari ng baril. May listahan sila ng mga tindahan at bumibili ng armas. Mula roon, ipatawag ang lahat ng bumili at isailalim sa masusing kasanayan, oryentasyon at edukasyon sa tamang pagkakaroon at paghawak ng armas. Ang hindi dumaan sa ganyang proseso, bawiin ang binili nilang baril pati ang lisensya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply